Huwebes, Marso 23, 2017

Paano palaguin ang isang sari-sari store?

  Ang pananaliksik na ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon kung saan o para lumago ang isang sari-sari store.
  Ang sari - sari store ay galing sa terminong pinoy na "sari - sari"  na ang ibig sabihin ay "iba - iba". Ayon sa batikang manunulat ng kasaysayan ay maaring nagsimula noong panahon ng dinastiya ng Sung, noong magsimulang magkaroon ng tradisyon na pagpapalitan ng produkto ang mga Filipino at ang mga Tsino. Noong 1930 makikita sa kasaysayan ng Pilipinas ang paglago ng maliit na negosyong ito.

  Ang sari - sari store ay nakapaloob na sa kultura ng mga Pilipino.

Depinisyon ng mga Termino:

Sari - sari store - isang maliit na tindahan na napasama sa kultura ng mga Pilipino.

Negosyo - isang gawain na bunga ng pagtaya ng isa o higit pang mga mangangalakal ng kanilang pawis, pag-iisip at salapi upang kumita at mapalago ng higit pa.

Puhunan o Capital - ay ang perang naipon o nakamit para gamiting pag-uumpisa sa isang negosyo para lalo pa itong dumami o lumago.


Tips para umunlad ang isang Sai-sari Store

  1. Mag-umpisa sa mababang puhunan.
  2. Isipin mo palagi na dito mo kinukuha ang source of income.
  3. Huwag magpapautang.
  4. Patungan ang presyo ng mga goods o produkto.
  5. Panatilihing maayos ang iyong negosyo.
  6. Bumuli ng maramihan upang makamura.
  7. Magbenta ng iba't-ibang produkto o magdagdag pa.
  8. Ibahin mo ang iyong negosyo sa iyong mga kakompetensya o magbigay ng mga pakulo.
  9. Palaging obserbahan ang sariling negosyo.
  10. Huwag maubusan ng mga stocks.

Tips sa Pagtatayo ng Negosyo
  1. Mag-ipon ng pera.
  2. Maghanap ka ng makaka-partner na may kagaya mong passion sa business na napili mo.
  3. Pinakamahalgang i-consider mo ay ang lokasyon ng iyong pagtatayuan.
  4. Kung mag-fail ang business mo huwag matakot na sumubok muli.
Problemang Kinakaharap ng isang Negosyo
  1. Bankrupt o pagkalugi.
  2. Pagkasira ng mga produkto.
  3. Pagkasira ng reputasyon.
  4. Epekto ng negosyo sa kalikasan.
  5. Kompetensiya sa iba pang mga sari-sari store.
  6. Pondo o pera.
  7. Sira sa mga kagamitan o impraspraktuktura
Mga dapat Isaalang-alang sa Pagpapatayo ng Negosyo
  1. Pera o kapital.
  2. Lugar.
  3. Kakumpetensiya.
  4. Empleyado.
Ayon sa serbey na aking nakalap sa 20 na may ari ng sari-sari store 70% ang nagsabi na nagpatayo sila ng sari-sari store ay upang may pagkakitaan, 100% na humihikayat sila ng kanilang kostumer sa pamamagitan ng maayos na serbisyo, 95% na ang unang pera sa pagne-negosyo ay ipon sa paghahanap-buhay, 100% ang nagsabing binabase ang produkto sa kung magkano ang kanilang nagastos, 70% na ang may ari ang nakakafama ng saya kapag malaku ang kanilang kita, 50% na ang kanilang lita ay iniipon sa bangko, at 70% ang hindi pa nakaranas ng pagkalugi.

Hindi madali ang magtayo  ng isang negosyo tulad ng pagpapatayo ng isang sari-sari store  dahil napakarami mong gagawin at ikonsidera upang maisagawa ito. Kinakailangan mo ring i-analyze ang iyong market o consumers - kung malaki ba ang potential na kumita ito. Bukod rito ang location, ang iyong competitors at kung anu-ano pa.

Bago ka makakapagtayo ng sari-sari store ay dapat mayroon kang business plan na siyang pinaka- mahalaga sa isang negosyo bukod sas iyong capital ng sa ganoon alam mo ang iyong gagawin para ito'y umunlad at masolusyonan ang mga problema na kahaharapin mo.

Isa sa mga layunin kung bakit ikaw ay nagtayo ng negosyo ay upang kumita ng pera. Iyon ay nakakamit sa pamamagitan ng pagsisikap at pagtitiyaga. Hindi magiging madali ang iyong dadaanin pero isipin mo na lang na maraming negosyante ang nagsisimula rin sa maliit na puhunan tulad ng sa iyo.

Rekomendasyon
  • Think positive
  • Magtiwala sa sarili
  • Maging matiyaga
  • Maging masipag
  • Palagiing mag-inventory sa sari-sari store
  • Gawing inspirasyon ang mga kakumpetensiya
  • Mag-isip ng magandang pakulo.
  • Huwag matakaot sa drating na problema
  • Huwag magsasawa gaano man kahirap o kabigat ang napagdadaanan
  • Magkaroon ng magandang pakikitungo sa kostumer
Ang pagpapatayo ng sari-sari store ay isang sugal na kung saan kailangan mong manalo. Tiyaga, sipag at tiwala ang kailangan upang maabot ang inaasam na panalo o pagkakaroon ng maraming kita. Hindi mo kailangang mag-umpisa agad sa malaki dahil umpisa pa lang at pag tumagal-tagal lalaki rin ang iyong negosyo lalong lalo na kapag matalino ka sa pagkakaroon ng negosyo tulad ng sari-sari store. Dumating man ang problema malalabanan mo ito dahil nasa isip mo na lalago ang iyong negosyo.


Sanggunian:


Miyerkules, Marso 22, 2017

What I have learned from Empowerment Technology II

For how many months I study Empowerment Technology I learned the following:
  •  I learned how to embed videos.
  •  How to edit pictures - either single picture or multiple.
  •  How to write a business letter using Microsoft office for which you only made one but there a technique that will be use to make it many.
  • How to make a petition.
  • Making a sheet where all the data is directly computed without using calculator, just write the place where the data is, in the formula bar.
All in all this subject this subject explore me to the world of computer and even the internet.

Lunes, Marso 13, 2017

Kumukupas Ang Lahat

Bagong ilaw na kay liwanag
Dahil sa lakas ng kuryenteng inaabsorb
Pag tumagal ay parang Christmas Light na nawawala-wala
At sa tagal ng panahon
Ilaw ay mangingitim dahil sa tagal na pinakinabangan


Batang ang sayang kumakain ng Ice cream
Dahil sa tamis na nalalasahan
Ng tumagal batay malungkot
Dahil ang ice cream ay di pangmatagalan


Lahat ng bagay ay di tumatagal
Maliban na lang kung papalitan ng bago
Ng sa ganoo'y ang kasiyahang nararamdaman ninuman ay pang-matagalan