Huwebes, Marso 23, 2017

Paano palaguin ang isang sari-sari store?

  Ang pananaliksik na ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon kung saan o para lumago ang isang sari-sari store.
  Ang sari - sari store ay galing sa terminong pinoy na "sari - sari"  na ang ibig sabihin ay "iba - iba". Ayon sa batikang manunulat ng kasaysayan ay maaring nagsimula noong panahon ng dinastiya ng Sung, noong magsimulang magkaroon ng tradisyon na pagpapalitan ng produkto ang mga Filipino at ang mga Tsino. Noong 1930 makikita sa kasaysayan ng Pilipinas ang paglago ng maliit na negosyong ito.

  Ang sari - sari store ay nakapaloob na sa kultura ng mga Pilipino.

Depinisyon ng mga Termino:

Sari - sari store - isang maliit na tindahan na napasama sa kultura ng mga Pilipino.

Negosyo - isang gawain na bunga ng pagtaya ng isa o higit pang mga mangangalakal ng kanilang pawis, pag-iisip at salapi upang kumita at mapalago ng higit pa.

Puhunan o Capital - ay ang perang naipon o nakamit para gamiting pag-uumpisa sa isang negosyo para lalo pa itong dumami o lumago.


Tips para umunlad ang isang Sai-sari Store

  1. Mag-umpisa sa mababang puhunan.
  2. Isipin mo palagi na dito mo kinukuha ang source of income.
  3. Huwag magpapautang.
  4. Patungan ang presyo ng mga goods o produkto.
  5. Panatilihing maayos ang iyong negosyo.
  6. Bumuli ng maramihan upang makamura.
  7. Magbenta ng iba't-ibang produkto o magdagdag pa.
  8. Ibahin mo ang iyong negosyo sa iyong mga kakompetensya o magbigay ng mga pakulo.
  9. Palaging obserbahan ang sariling negosyo.
  10. Huwag maubusan ng mga stocks.

Tips sa Pagtatayo ng Negosyo
  1. Mag-ipon ng pera.
  2. Maghanap ka ng makaka-partner na may kagaya mong passion sa business na napili mo.
  3. Pinakamahalgang i-consider mo ay ang lokasyon ng iyong pagtatayuan.
  4. Kung mag-fail ang business mo huwag matakot na sumubok muli.
Problemang Kinakaharap ng isang Negosyo
  1. Bankrupt o pagkalugi.
  2. Pagkasira ng mga produkto.
  3. Pagkasira ng reputasyon.
  4. Epekto ng negosyo sa kalikasan.
  5. Kompetensiya sa iba pang mga sari-sari store.
  6. Pondo o pera.
  7. Sira sa mga kagamitan o impraspraktuktura
Mga dapat Isaalang-alang sa Pagpapatayo ng Negosyo
  1. Pera o kapital.
  2. Lugar.
  3. Kakumpetensiya.
  4. Empleyado.
Ayon sa serbey na aking nakalap sa 20 na may ari ng sari-sari store 70% ang nagsabi na nagpatayo sila ng sari-sari store ay upang may pagkakitaan, 100% na humihikayat sila ng kanilang kostumer sa pamamagitan ng maayos na serbisyo, 95% na ang unang pera sa pagne-negosyo ay ipon sa paghahanap-buhay, 100% ang nagsabing binabase ang produkto sa kung magkano ang kanilang nagastos, 70% na ang may ari ang nakakafama ng saya kapag malaku ang kanilang kita, 50% na ang kanilang lita ay iniipon sa bangko, at 70% ang hindi pa nakaranas ng pagkalugi.

Hindi madali ang magtayo  ng isang negosyo tulad ng pagpapatayo ng isang sari-sari store  dahil napakarami mong gagawin at ikonsidera upang maisagawa ito. Kinakailangan mo ring i-analyze ang iyong market o consumers - kung malaki ba ang potential na kumita ito. Bukod rito ang location, ang iyong competitors at kung anu-ano pa.

Bago ka makakapagtayo ng sari-sari store ay dapat mayroon kang business plan na siyang pinaka- mahalaga sa isang negosyo bukod sas iyong capital ng sa ganoon alam mo ang iyong gagawin para ito'y umunlad at masolusyonan ang mga problema na kahaharapin mo.

Isa sa mga layunin kung bakit ikaw ay nagtayo ng negosyo ay upang kumita ng pera. Iyon ay nakakamit sa pamamagitan ng pagsisikap at pagtitiyaga. Hindi magiging madali ang iyong dadaanin pero isipin mo na lang na maraming negosyante ang nagsisimula rin sa maliit na puhunan tulad ng sa iyo.

Rekomendasyon
  • Think positive
  • Magtiwala sa sarili
  • Maging matiyaga
  • Maging masipag
  • Palagiing mag-inventory sa sari-sari store
  • Gawing inspirasyon ang mga kakumpetensiya
  • Mag-isip ng magandang pakulo.
  • Huwag matakaot sa drating na problema
  • Huwag magsasawa gaano man kahirap o kabigat ang napagdadaanan
  • Magkaroon ng magandang pakikitungo sa kostumer
Ang pagpapatayo ng sari-sari store ay isang sugal na kung saan kailangan mong manalo. Tiyaga, sipag at tiwala ang kailangan upang maabot ang inaasam na panalo o pagkakaroon ng maraming kita. Hindi mo kailangang mag-umpisa agad sa malaki dahil umpisa pa lang at pag tumagal-tagal lalaki rin ang iyong negosyo lalong lalo na kapag matalino ka sa pagkakaroon ng negosyo tulad ng sari-sari store. Dumating man ang problema malalabanan mo ito dahil nasa isip mo na lalago ang iyong negosyo.


Sanggunian:


Miyerkules, Marso 22, 2017

What I have learned from Empowerment Technology II

For how many months I study Empowerment Technology I learned the following:
  •  I learned how to embed videos.
  •  How to edit pictures - either single picture or multiple.
  •  How to write a business letter using Microsoft office for which you only made one but there a technique that will be use to make it many.
  • How to make a petition.
  • Making a sheet where all the data is directly computed without using calculator, just write the place where the data is, in the formula bar.
All in all this subject this subject explore me to the world of computer and even the internet.

Lunes, Marso 13, 2017

Kumukupas Ang Lahat

Bagong ilaw na kay liwanag
Dahil sa lakas ng kuryenteng inaabsorb
Pag tumagal ay parang Christmas Light na nawawala-wala
At sa tagal ng panahon
Ilaw ay mangingitim dahil sa tagal na pinakinabangan


Batang ang sayang kumakain ng Ice cream
Dahil sa tamis na nalalasahan
Ng tumagal batay malungkot
Dahil ang ice cream ay di pangmatagalan


Lahat ng bagay ay di tumatagal
Maliban na lang kung papalitan ng bago
Ng sa ganoo'y ang kasiyahang nararamdaman ninuman ay pang-matagalan



Lunes, Pebrero 20, 2017

OPM MUSIC

"SIMPLENG TULAD MO"
by Daniel Padilla
Is a Filipino song recorded by actor and singer Daniel Padilla 
as the interpreter for the Philippines' Himig Handog: P-Pop Love Songs songwriting competition (2014). The song was included in the compilation title, "Himig Handog Ppop Love Song (2014) released on August 15, 2014, and was later included on his third studio album I Feel Good. The song was written and composed by Meljohn Magno.
"Simpleng Tulad Mo" was a commercial success in its native country, hit No.2 at tha MYXX Hit Chart under Shake It Off of Taylor Swift and No.1 at the Pinoy MYXX Countdown. The song landed at No.6 at the MYX Hit Chart year-end countdown and No.1 at the Pinoy MYXX Year-End Countdown. The song is the 9th of Spotify Philippines Top 10 Most Streamed Track 2014.
From the Himig Handog competition final night, the song won MOR Listeners' Choice Award and ABS-CBN Subscribers Choice Award. "Simpleng Tulad Mo won 2015 MYX Music Awards for Favorite Song.
The promotion and studio version of "Simpleng Tulad Mo" was performed at noontime variety show ASAP 19 and the morning lifestyle TV show Kris TV ahead of the grand-finals night.

  • Napili ko tong kantang to kasi mayroon akong nakilala na nagustuhan ko dahil sa simple siya. Simpleng manamit maayos gumalaw. Kahit medyo may kaya sila nanatili ang pagiging simple niya sa buhay kaya nagustuhan ko siya lalong-lalo na ang kanyang personality.



Linggo, Pebrero 12, 2017

Ten Uncommonly Used Filipino Words

Ten Uncommonly Used Filipino Words:

1.Pook-sapot
                       - ay isang koleksiyon ng mga pahinang Web, na tipikal na karaniwan sa isang            partikular na pangalan ng dominyo sa World Wide Web sa Internet.
Halimbawang Pangungusap:
Matatagpuan mo ang mga salitang ito sa pook-sapot na Wikipedia.
 2.Ligaw-biro
                       -isang uri ng pakikipag-ugnayang pantao o panliligaw sa pagitan ng dalawang tao, na nagpapadama ng pagkakagustong seksuwal o romantiko.
Halimbawang Pangungusap:
Ligaw-biro ang nadarama ni Maria sa kanyang manliligaw.
3.Tsubibo
                      -isang sasakyang pang-katuwaan at libangan na binubuo ng isang bilog at umiikot na kalatagan at plataporma at mga upuang pampasahero.
Halimbawang Pangungusap:
Gusto kong sumakay sa tsubibo para maging masaya ang araw ko.
4.Alipugha
                 -iresponsable
Halimbawang Pangungusap:
                           Ang mga kabataan sa kasalukuyan ay alipugha.
5.Talaksan
                          -papeles
Halimbawang Pangungusap:
Ang talaksan ni Jose para makapasok ng trabaho ay nawawala.
6.Punyal
                       -bagay na matalim
Halimbawang Pangngusap:
Nasugatan si Labo dahil sa maling hawak ng punyal
7.Tipanan
                       -lugar kung saan nagtatagpo
Halimbawang Pangungusap:
Hindi nakita ni Silya ang kanyang iniirog sa kanilang tipanan.
8.Salipawpaw
                        -sasakyang panghimpapawid o eroplano.
Halimbawang Pangungusap: 
Ang sinakyang salipawpaw ng mag-anak ay papuntang Middle East.
9.Batalan
               -paghuhugas ng mga bagay na marurumi.
Halimbawang Pangungusap:
Inutusang batalan ni Tano ang mga pinagkainang pinggan.
10.Katoto
- taong malapit sa iyo o kaibigan
Halimbawang Pangungusap:
Sa katoto ko nilalabas lahat ng sama ng aking loob.

Miyerkules, Enero 18, 2017

Bangon Kabataan

"BANGON KABATAAN"

Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Tayo ang huling babangon sa Pilipinas. Ang magiging daan tungo sa magandang kinabukasan. Tayo ang magiging sandigan para umunlad ang bansa.
Kabalikataran ang sinasabi ng nang nakakarami na "ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN". Alam naman natin na maraming kabataan ang naliligaw ng landas. Nagkakaroon ng bisyo gaya ng pagsusugal, paninigarilyo, ung iba naman ay nalululong sa droga at ung iba ay nagnanakaw at minsan ay pumapatay ng kanilang kapwa tao.
Ilan sa mga dahilan nito ay kahirapan, kawalan ng hanapbuhay o trabaho, di nakapagtapos ng pag-aaral at maling pagpapalaki ng magulang sa kanila.
Bakit tayong mga kabataan di natin gawing kapaki-pakinabang ang ating sarili. Magsumikap tayo sa buhay. Mag-aral tayo kahit walang suporta ng magulang, dahil ang pag-aaral ang pinakaimportanting parte sa buhay ng isang tao. Puwede ka naman maging working student para matustusan ang iyong pag-aaral. Ang pag-aaral lamang ang paraan para hindi ka maligaw ng landas.
Anuman ang kalagayan natin sa buhay patuloy tayong magsumikap para umayos ang ating kinabukasan at maging kapaki-pakinabang tayo sa ating lipunan na ating kinabibilangan.

Samahan sa Paaralan

"SAMAHAN SA PAARALAN"

Unang araw ng pasukan
Di alam uumpisahan
Lahat nagkakahiyaan
Hindi alam mga pangalan

Nang tumagal ang araw
Di na alam ang galaw
Lahat na ay bugasaw
Galaw, humahalimaw

Lumapit mga kaibigan
At sila'y naging sandigan
Sa problema'y sasamahan
Nang sa ganoo'y malutasan

Ang samahan ay kaysaya 
Kaming lahat ay malaya
Kaya lahat maligaya
Na siya namang kaaya-aya

Kung saan gumagala
At ang lahat nagsabi'y "Hala"
Ang mga magulang ay nag-aalala
Kung nasaan nanaman sila