Miyerkules, Enero 18, 2017

Samahan sa Paaralan

"SAMAHAN SA PAARALAN"

Unang araw ng pasukan
Di alam uumpisahan
Lahat nagkakahiyaan
Hindi alam mga pangalan

Nang tumagal ang araw
Di na alam ang galaw
Lahat na ay bugasaw
Galaw, humahalimaw

Lumapit mga kaibigan
At sila'y naging sandigan
Sa problema'y sasamahan
Nang sa ganoo'y malutasan

Ang samahan ay kaysaya 
Kaming lahat ay malaya
Kaya lahat maligaya
Na siya namang kaaya-aya

Kung saan gumagala
At ang lahat nagsabi'y "Hala"
Ang mga magulang ay nag-aalala
Kung nasaan nanaman sila


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento