Biyernes, Enero 13, 2017

Masamang Bisyo Iwasan , at nang Kalusugan ay Maingatan


Ang bisyo ay isang bagay na kinahuhumalingan ng nakakarami. Bakit ba nagkakaroon ng bisyo ang isang tao? Ano ba ang epekto ng bisyo sa mga tao?

Malaki ang epekto ng bisyo sa isang tao. Maging mabuti man o masama. Ang ilang mga halimbawa ay ng masamang bisyo ay ang sumusunod;

  1. Sobrang pag-inom ng alak.
  2. Pagsusugal ng maliitan o malakihang bayad.
  3. Paghit-hit ng sigarilyo.
  4. Sobrang paglalaro ng computer.
  5. At higit sa lahat ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang droga.
Alam na nga natin na masama ito sa ating kalusugan ng isang tao na maaaring humantong sa pagkakaroon  ng sumusunod;

Sobrang pag-inom ng alak
  1. Anemia
  2. Cancer
  3. Pagkasira ng atay
  4. Altapresyon
  5. Impeksiyon sa katawan
Pagsusugal
  1. Pagkaubos ng pera
  2.  Pakikipag-away sa asawa
  3. Walang konsentrasyon sa pag-aaral
  4. Insomnia o di makatulog
Paghithit ng sigarilyo
  1. Heart attack
  2. Lung cancer
  3. Goiter
  4. Emphysema
Sobrang paglalaro ng computer
  1. CVS O Computer Vision Syndrome- sanhi ng pamumula, pangangati at paglabo ng mata.
Paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang droga
  1. Maagang pag tanda ng itsura
  2. Pagkasira ng ngipin
  3. Pag susugat ng balat
  4. Mataas na tsansa ng stroke
  5. Pag hina ng baga
  6. Pag hina ng memorya
Mahalaga ang kalusugan ng isang tao. Biniyaya ito ng Diyos sa tao kaya dapat ingatan at pangalagaan.Kung gusto mong umiwas sa masamang bisyo ibaling mo ang oras mo sa mabubuting bagay.

Kung alam na nating masama wag ng gawin. Ika nga ''Huwag ng gawin ang mga bagay na pagsisisihan sa huli". Gawin mong kapaki-pakinabang ka sa lipunan na iyong kinabibilangan. Wag sayangin ang galing at lakas na ibinigay ng Panginoon sa iyo.


1 komento: