"BANGON KABATAAN"
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Tayo ang huling babangon sa Pilipinas. Ang magiging daan tungo sa magandang kinabukasan. Tayo ang magiging sandigan para umunlad ang bansa.
Kabalikataran ang sinasabi ng nang nakakarami na "ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN". Alam naman natin na maraming kabataan ang naliligaw ng landas. Nagkakaroon ng bisyo gaya ng pagsusugal, paninigarilyo, ung iba naman ay nalululong sa droga at ung iba ay nagnanakaw at minsan ay pumapatay ng kanilang kapwa tao.
Ilan sa mga dahilan nito ay kahirapan, kawalan ng hanapbuhay o trabaho, di nakapagtapos ng pag-aaral at maling pagpapalaki ng magulang sa kanila.
Bakit tayong mga kabataan di natin gawing kapaki-pakinabang ang ating sarili. Magsumikap tayo sa buhay. Mag-aral tayo kahit walang suporta ng magulang, dahil ang pag-aaral ang pinakaimportanting parte sa buhay ng isang tao. Puwede ka naman maging working student para matustusan ang iyong pag-aaral. Ang pag-aaral lamang ang paraan para hindi ka maligaw ng landas.
Anuman ang kalagayan natin sa buhay patuloy tayong magsumikap para umayos ang ating kinabukasan at maging kapaki-pakinabang tayo sa ating lipunan na ating kinabibilangan.